Minsang Maglakbay sa Damuhan ng Freedom Park
Naglakad ako kanina sa damuhan ng Freedom Park. Hubad ang pagal na tsinelas, nilakbay ko ng maka-ilang ulit ang kahabaan ng parke na ito. Masarap pala talagang makaniig ang kalikasan kung minsan, bagamat hanggang talampakan lang ang kayang kumuryente sa kasalukuyang kalungkutan.
Mayaman sa kulisap ang mga damuhan, sabihin pa, maayos pa din naman ang kalikasan sa loob ng campus. Kahit na nga ba ang kaayusan na ito ay
nakakulong lamang sa loob nito. Masarap sa pakiramdam ang paglalakbay ko kanina. May kaunting
kaligayahan ako'ng nadama, marahil ay dala ng kalayaan na naramdaman ko sa pag-alala nung aking kamusmusan; noong panahong malaya ako'ng mag-isip, at kahit school homework ay di ko naman talaga pinoroblema. Di ko na alintana ang putik o insekto na maaring dumapo sa aking paa, dahil sabi ko sa sarili ko kanina...kailangan ko ito sa ngayon, ang makapanlimos ng kahit kaunting liwanag ng ligaya.
Patakbo ko'ng binalikan ang aking dormitoryo. Di dahil nagising ako sa katotohanang masteral student na nga pala ako sa ngayon; kundi dahil unti-unti ko nang naramdaman ang panakanakang pagdampi ng malamig na hangin sa aking pisngi, na kung minsan ay may kasama ng likido. Padating na ang ulan.
Ngayon nga ay nasa kwarto na ako ng dormitoryo. Kung bakit ngayon pa dumalaw ang ulan. Sa panahong hindi ko pa naliligwatan ang kalungkutang ito. Ang ulan kaseh kadalasan ang nagbibigay ng senyales kung kailan maaaring pumatak ang luha ko. Ang ulan din ang dahilan
upang alipinin ako ng tukso ng malalim na pagiisip sa buhay; buhay na wala pa talaga akong plano sa paroroonan nito. Bigla na lang umulan ng malakas, gusto ko sanang sumabay dito, ilabas ang lahat ng nararamdaman ko. Subalit pilit ko'ng ibinabangon na ang aking katinuan, wala naman talagang dahilan para maramdaman ko ito. At ang mas malalim na pagpapaliwanag pa dito ay kailangan ko nang baguhin ang mga ganitong nararamdaman ko sa sarili.
Buti na lang bigla na ding tumigil ang ulan. Biglang din ang pagpaling ng realidad ng mga pangyayari sa ngayon: Kailangan kong harapin ang THESIS ko.
Ang paglakad? Maari din namang bukas muli, at mas payapa na sana ako.
Ang ulan? Tuloy lang sya, at sana antok na lang maramdaman ko sa kanya. Di ang kung ano pa man na di naman talaga makakatulong pa sa aking sarili, higit lalo sa aking thesis.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home