Hindi nga ba't isang kabaliwan na ang tanging bagay na syang nagbibigay ng kasiyahan sa aking isipan ay sya din namang nagbibigay ng matinding kalungkutan. Ang hirap nito, nasasaktan ako ngunit hanggang pagtitiis na lang ang maaari ko'ng gawin. Umiiyak ako subalit hindi mo naman makikita ang likidong ito.
Hindi mo marahil maiintindihan to, dahil wala ka namang alam, at di mo naman malalaman pa. Kung alam mo lang sana kung gaano kahirap ang magpangiti sa panahong mahapding binibiyak ang aking damdamin. Masakit yun, at ayaw ko nang ipaliwanag o magbigay ng deskripsyon dito. Hindi mo alam. Dito ko na lang maaaring ipaalam. Sa pagitan ng tama at mali ay mangingibabaw pa din ang tama at ang paglaban sa mali ay hahayaang magbaon sa akin sa mas tumitindi pang kalungkutan.