Wanderer of Wonders

If you could sing some lullabyes for me during night and day, and then catch me when I need your arms the most; then perhaps I could visit your dreams till like eternity. Just so i can smell your presence, and please say you'd let me to.

Monday, August 21, 2006

Talandi na naman ang panahon!


Bakit kaya parang baklita ang panahon ngayon, ano? Sabi nga ng pinsan ko, mas talandi pa ang panahon sa akin. Napakaunpredictable, daig pa ang babaeng dinadalaw ng unwelcome visitor nya monthly, pati nga sinampay ko sa labas naloko din ng panahong yan. Ang init init tapos in just some minutes biglang dadagundong ang ulan sa bubong ng bahay, napasugod tuloy ako sa malakas na ulan, hayan, sana lang di ako lagnatin, ala pa man din akong balak maligo today, ala pasok eh..yuhoooo..

Pero, teka, as if naman intresado ang dear readers ko dito (meron nga ba, ala na ako hits dito ah, tagalugin ko nga), kaya without further ado (ano daw?) eh lamyerda muna ako sa mga bagay na gusto ko lang ipaabot sa lahat, yan eh kung may paki ka dito..

Laugh. Even at corny jokes, pag di na carry ang sobrang kakornihan, pilitin na lang magsmile, or kahit wry smile lang. Pampaganda din yan, di tatanda ang face mo kaseh laging nae-exercise ang facial muscles mo. Ano ba, mas masarap ata gawin yan kesa sumimangot, unless unggoy ka na laging nakasimangot, nyay.

Sing. Halitin mo ang lalamunan mo maghapon if free ka din care ba na mas maganda pa ang boses ng aso mo sa boses mo, wala pa naman akong nababalitaan na pinatay ng kapit-bahay dahil sa pagkanta lang (unless napili mong isigaw ang MY WAY, faktay ka nga nyan). Remember, walang kahit ano’ng law, legal or moral pa man yan, na nagbabawal kumanta sa tao (wag lang magkakataon na nasa chatroom 51 si WHISKY). Ang pagkanta ay nakakapagpalaya ng kaunting bigat sa katawan at isip.

Dance. Di mo na kelangang umupa pa ng isang fafa DI para lang makasayaw ka, weno naman kung cha-cha lang ang alam ng paa mo, or kung wala kang kanang paa? Ang pagsayaw ay tulad ng pagkanta, di lang para sa dancers/singers yan. At wala lalong magbabawal sau dyan, pero, please sana lang eh maiwasan na sa gitna ng kalsada maglambada, worse, ang magcha-cha, dahil baka ikaw ang kantahan ng ilang gabi nyan, plus coffee and biscuits sa mga nagbabaklay (ahahayzz, may malaanghel na dila pa man din ako). Dance all the way, good exercise na, empowerment pa ng brain yan, great minds are conceived while dancing (baguhin ko lang ang sabi ni Mark twain).

Watch feel good movies. During college, I used to live with Probe Team documentaries, watch news everyday, see those political debates (Bob Garon debates, remember???? Highschool ako nun ata pero regular viewer na ako, sheezz, what have I done??). 3 weeks ago, nagpunta ako sa sine, I had to choose between Pirates of the Caribbean and Sukob, natural pinili ko ang Sukob, Idol ko si Kris Aquino, ano be?! Walang masamang magpakabaduy, sus! Kung serious na nga ang working environment mo, serious ang mga kasama mo, aba, redundant na masyado ang life mo kung serious pa din ang pipiliin mong panoorin, debah?

Be insane for a while. Naisip mo na ba minsan na nakakainggit ang mga baliw? They don’t have any fears, lalo na sa future, they don’t care eh, they just live, they don’t even care if they won’t be eating anything for tomorrow. So minsan, try nating maging insane. Liberate ourselves, feel free, have no fears, basta alam mo lang kung kelan ka babalik sa sariling katinuan, baka naman magtatakbo ka ng hubo’t hubad nyan sa labas ng bahay mo eh, aba, strait jacket na ang katapat mo (unless macho/sexy ka, ahahayzzz). Sometimes, a sane person must know how to be insane so he’d know the difference, and he’d appreciate life in a better perspective.

Walk around. Wandering around would give you your best thoughts.

Talk, share. Nobody dies showing what he feels (sabi nga ng poem ko nung highschool). Society lang naman ang nagsasabi na kabawasan sa macho image ng isang lalaki ang magshare ng ano mang kalungkutang nararamdaman, and tayo din lang naman nagdidictate sa society, so why not change the norms? Kung ala makausap, madaming halaman dyan, practice na lang fwend, malay mo mag-oonga sau eh instant fwendship agad, basta alagaan mo lang lagi ng dilig. Or come online, basta ba di ka hengot na pasaway eh we can have a coffee while chatting.


Heto pah! Ang sabi ng txt ni kari ( naulit pang I-send after 3 days ba un?)…

Don’t expect life to be perfect! Honga naman, kaw nga di perfect eh asa ka pa na buhay mo maging perfect (tantanan ako ng joke na ang pangalan eh perfecta or perfecto, please….)! Basta, sabay ka lang sa giling ng buhay, try mo makailag sa bawat suntok neto pero okay lang kung tamaan minsan basta bangon lang ng bangon ( kahit si pacquiao tinatamaan din noh). Never take life for granted, but grant your life with some takes (ay ewan, basta un na un!). share ko din toh

what surprises u most about mankind? Buddha replied “ they lose their health to make money and then lose money to restore their health. By thinking anxiously about future, they forget the present, such that they live neither for the present nor for the future. They live as if they will never die and die as if they never had lived. So, live and let live na lang, awkie ba tayo dyan?

Dami pa dyan pwedeng gawin, kaso la na ko time muna, till next issue..:D

p.s.

Lagot, dilly dollying na naman ako, 4 no class days with little accomplishments, puro kaseh pasarap sa buhay, hayan. Kick out na ko sa school next sem! Kitakits sa pagbabad na lang sa room.

Tuesday, August 01, 2006

Sa Panahong Umuulan sa UPLB Campus

Umuulan na naman.
Madilim ang paligid,
Tahimik na naglalakad ang mga henyo ng kampus,
Habang patuloy sa malayang pag-indak ang mga haring puno.

Namamalas na naman ang pagdapo ng mga pagod na ibon,
Marahil darating na ang aliwalas sa gitna ng dilim.

Impit ko’ng inaawit sa saliw ng himig ng ulan.
Dito man lang ay maipamalas ko ang kasiyahang dulot ng panahon.
Sa paraang ito ay masasambit ko ang hiwaga ng kalikasan,
Sapagkat dito nahihimlay ang tinipong lakas ng aking pakiramdam.

Sa isang sulok na ito,
Sa labas ng main library, kapiling ang malawak na kapaligiran,
Natagpuan ko ang panibagong pag-asa ng liwanag.
Pipilitin ko’ng imulat ang namumungay na mga mata.
Iwawaksi ang maaring pagdalaw ng mapangahas na antok,
Dahil natatakot ako, sa tuwi-tuwina,
Na maaring di na maulit pa ang ngayon.

“I’m singing in the rain,
what a glorious feeling,
I am happy again”