Sa Panahong Umuulan sa UPLB Campus
Umuulan na naman.
Madilim ang paligid,
Tahimik na naglalakad ang mga henyo ng kampus,
Habang patuloy sa malayang pag-indak ang mga haring puno.
Namamalas na naman ang pagdapo ng mga pagod na ibon,
Marahil darating na ang aliwalas sa gitna ng dilim.
Impit ko’ng inaawit sa saliw ng himig ng ulan.
Dito man lang ay maipamalas ko ang kasiyahang dulot ng panahon.
Sa paraang ito ay masasambit ko ang hiwaga ng kalikasan,
Sapagkat dito nahihimlay ang tinipong lakas ng aking pakiramdam.
Sa isang sulok na ito,
Sa labas ng main library, kapiling ang malawak na kapaligiran,
Natagpuan ko ang panibagong pag-asa ng liwanag.
Pipilitin ko’ng imulat ang namumungay na mga mata.
Iwawaksi ang maaring pagdalaw ng mapangahas na antok,
Dahil natatakot ako, sa tuwi-tuwina,
Na maaring di na maulit pa ang ngayon.
“I’m singing in the rain,
what a glorious feeling,
I am happy again”
0 Comments:
Post a Comment
<< Home