Wanderer of Wonders

If you could sing some lullabyes for me during night and day, and then catch me when I need your arms the most; then perhaps I could visit your dreams till like eternity. Just so i can smell your presence, and please say you'd let me to.

Wednesday, November 29, 2006

Upuan
Napag-usok ng isang ligaw na katauhan
matamang naghihintay sa pagal na likuran,
makapagbahagi man lang ng marupok na katiwasayan,
sa sulok ng tulalang kaisipan.
Hitit mo ang kahinaan ng aking katawan,
nakikibahagi ka sa malalim na delubyo,
ng emosyon, ng lalim ng gabi,
ng hikbing naimpit sa kulungan ng dormitoryo.
Ikaw na lang ang natirang kapiging,
na sumasalo sa akin sa gitna ng pag-iisip,
teoryang ikaw na lang ang kabahagi,
sa empirikong ikaw na lang ang makakaintindi.

Sa trono mo,ako ang nakapaghahari.
sa lakas mo, sa twina'y kakatwang umaasa.
dahil nananalig ako sa'yo,
dahil sa gabing ito, ikaw'y aking kapiling.
at ikaw ang nagtakda sa aking pagtulog.
gisingin mo ako. Gisingin mo ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home