Wanderer of Wonders

If you could sing some lullabyes for me during night and day, and then catch me when I need your arms the most; then perhaps I could visit your dreams till like eternity. Just so i can smell your presence, and please say you'd let me to.

Thursday, July 20, 2006



Cross Roads

Ang pagtahak sa mahabang lakbayin ng buhay ay kadalasang nakakapagod, nakakasawa, nakababagot. Minsa'y mapangahas ko'ng pinapasok ang isang daan nang hindi nakasisiguro kung ano ang maaring kahinatnan, sapagkat nakinita ko lang na maaring nandun ang sagot sa matagal ko nang paghahanap ng kapayapaan ng loob. Marahil ay sadyang may tao na madalas maligaw ng landasin, sapagkat sa tingin ko ay napapaglaruan ako ng masalimuot na kapalaran. Sa bahaging ito ay napapagtanto ko na maaring ito ay sa dahilang hindi ko naman talaga sigurado kung ano ang hinahanap ko sa lakbaying ito.

Maraming sangangdaan na ang aking napuntahan, ito ang nagbibigay sa akin ng napakaraming kalituhan sa aking isipan, higit sa lahat ang mga pasakit na naramdaman. Kadalasan kasi ay sinisiksik ko ang aking sarili sa isang napakakipot na daraanan, dahil iniisip ko na dito naman talaga ako magiging masaya sa pagdating ko sa hangganan ng buhay. Minsay ay totoo, minsan ay isang kasinungalingang kailangan ko nang panindigan.

Naririto ako ngaun, naglalakbay, tinatahak ang panibagong natagpuang landas, subalit, gaya ng dati, wala pa ring kasiguraduhan kung aabante, o iaatras ko na lamang ang aking mga paa upang marating ang kung ano nga ba ang nakahandang buhay sa akin sa kahanggan. Simple lang ako, simpleng komplikado, simpleng nakaangat sa malalim na buhay....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home