Wanderer of Wonders

If you could sing some lullabyes for me during night and day, and then catch me when I need your arms the most; then perhaps I could visit your dreams till like eternity. Just so i can smell your presence, and please say you'd let me to.

Friday, June 23, 2006

The Echoes of Banahaw


Magkandirit
Magtampisaw
Umuulan sa dalampasigan
Nagaanyaya
Nanghahamon.

Tag-ulan na naman sa aking isipan
Nagbabalik ang bangungot ng kahapon
Tulala na namang nakamasid
Sa mga naligaw na insekto sa pasilyo
Habang patuloy ang mabilis na pag-agos
Ng mainit na likido sa mukha ko.

Magsayaw
Mag-indakan
Pula na ang araw sa dakong silangan
Nag-aanyaya
Nanghahamon.

Relatibong mapagpasya ang panahon
Minsa’y pumapayag sa mumunting kahilingan
Ang nais lamang ay muling mabagtas
Ang makikipot na pilapil patungong kalayaan.

Manimbang
Maglakbay
Naghihintay na nga sila
Nag-aanyaya
Nanghahamon.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home