PAGBUTLAK: Nang Minsang Pinanday sa Pagbagtas ng Bagong Karunungan
Mula sa isang tulalang kaisipan
Na kadalasan pa ay tila aandap andap
Na naghahangad ng direksyong patutunguhan,
Napaigkis ka sa pagbabakasakaling may ilaw sa gabing madilim,
At tinungo mo sya, ang inakalang liwanag ng kulimlim.
Subalit sa isang maling gawi, nadapa kang muli,
Hinabol ang mga kasamahang sadyang daan mo’y binali
Di nga ba’t dala mo ay kapahamakan?
At nagtungo kang muli, sa dating landasin ng mga ligaw.
Hanap mo lang naman ay bukang liwayway,Subalit kay tagal ng umagang hinihintay,Baka naman kahit ang araw ay nagtampo na naman,Dapat nga bang ikaw’y muling maiwanan?
posted by LIZT @ 7:19 PM
0 Comments:
Post a Comment
<< Home