I'm planning to include this in the essay contest sponsored by UP writers' club....i might not win, but atleast there's hope....I need to have additional allowance, wahehe....
Bilanggong Pulitikal
Isang malamig na rehas na nagkubli sa aking paningin,
Isang papudpod na tsinelas na magdadala sa aking kamalayan,
Habang naglalakbay ang isipang ginulantang
Ng sistemang binulok ng matagalang tunggalian.
Ako’y biktima ng kapanahunan.
Sa pasilyo ng malayang taludturan ng aking mga tula
Natagpuan ko ang sariling dagling nalulunod
Sa hagupit ng kapaitan ng tadhanang ako ang nagpasya
Malaya nila ako’ng iginapos sa bisig ng mga kaaway.
Ako’y biktima ng kapanahunan.
Humitit buga ng pulang sigarilyong muling binabalikan
Habang kinakapa sa anino ang matinik na nakaraan
Mula sa kuryusidad ng palalo at makulit na isipan
Hanggang sa pagkamulat sa pagka-agnas ng lipunan.
Ako’y biktima ng kapanahunan.
Ang labas ay aking malabong tinatanaw
Di pa din nababaligtad ang marupok na tatsulok
Ulupong pa ding nakakapamayani ang iilan
Habang hapdi ng sikmura ang nasa papag ng karamihan.
Tayo’y biktima ng kapanahunan.
Subalit panahon na!
Tigas kamaong tinitimpi ang bawat hikbi sa lipunan
Nakabaon ang sumpang magpapalaya sa bayan
Lalaya din ako
Bago pa man pumula sa silangan.
-LIZT

0 Comments:
Post a Comment
<< Home