Wanderer of Wonders

If you could sing some lullabyes for me during night and day, and then catch me when I need your arms the most; then perhaps I could visit your dreams till like eternity. Just so i can smell your presence, and please say you'd let me to.

Wednesday, January 03, 2007

Sakit sa Mata....


Hindi ko sinasadya. Walang pilitan, wala sa plano. Nagkataon lang talaga, siguro nga mausok lang dito, at unti-unting nilalason ang mata ko. Konting kurap lang naman, baka sakaling mapunasan ng alikabok ang salamin ko'ng sumasagka sa aking paningin. Kahit pala isuot ko ang salaming ito ay papasukin pa din ang aking mga mata ng makapal na usok na nanggagaling sa hindi ko matukoy na lugar sa aking katawan.


Gusto ko'ng pag-aralan ang usok. Kung paanong sa nipis nito ay kaya ako'ng bulagin, kaya di ko makita ang liwanag, at di ko maipaliwanag ang dilim. Kung paanong sa isang malupit na buga ng usok ay kayang lunurin ang aking mga mata, sa gitna ng walang hanggang pagtatanong sa aking sarili. Bakit napupuwing ako? Bakit kapag napuwing ay kailangang maglabas ng mainit na likido sa aking mga mata? Bakit di ko mapigil ang agos ng likidong ito? At bakit di ko na lang iniwasan ang papadating na usok gayong kitang kita ko naman ang pagtatagumpay ng apoy sa monitor ko? Huli na tuloy ngaun, napuwing na ako. Lumuluha na ako. Hintayin ko na lang sigurong mamatay ang apoy, o piliting imulat ang aking mga mata kapag natapos na ang hapdi. At marahil sa susunod, matututunan ko'ng lumayo na sa simula pa lang ng pagningas ng isang munting apoy.



1 Comments:

  • At 10:04 PM, Anonymous Anonymous said…

    hey liz, can i print this in the red ink? :)

     

Post a Comment

<< Home