Wanderer of Wonders

If you could sing some lullabyes for me during night and day, and then catch me when I need your arms the most; then perhaps I could visit your dreams till like eternity. Just so i can smell your presence, and please say you'd let me to.

Monday, April 03, 2006


Minsa'y Nagsasambit ng Pangarap ang Huni ng Ibon

Maglalaro ako
Sa lumang paraiso ng paru-paro
Sasama sa landas ng ligaw na hangin
At doon
Ibabahagi ko sa kalikasan ang isang pangarap
Maabot na sana kita.

Huhulihin ko ang huni ng kulisap
Baka sakaling maikulong sa aking mga palad
Dahil nandirito
Ang sumpang nagdurugtong sa atin
Sa bukas na aking tinatanaw
Upang palamutian ng malamyos nilang himig
Maabot na sana kita.

Samahan mo ako'ng hulmahin ang kasaysayan
Kung sakali mang mahiwalay ka sa aking landas
Sapagkat ako na ang nagtakda
Na sa huling tuldok tayo pa rin ay iisa
At ipagbibigkis ng pinatibay na bagin sa ating puno.

Salamat sa 'yong bukas ng palad
Maaabot na rin kita.

Masarap mahimlay
Sa pugad ng isang pangarap....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home