Panibugho sa Ulan
Banayad ang bawat paglaktaw sa kalupaan
unti-unting pinapawi ang ingay ng pulutong ng mga kulisap
makulimlim na naman sa kaparangan
sadyang hinihintay lang ang pagsukob sa lumang dampa.
Nagbabadya na muli ang pagluha ng kalangitan
at magsasayawan ang tuyot na damo sa makipot na bakuran
magsisibuhay na muli ang punong-ugat
at lilikha ng panibagong obra ng mahiwagang kasaysayan.
Tag-ulan na naman
sa libong araw ng pag-aabang ko sa tag-ulan
naninibugho ng naman ako
dangan kasi ang ulan ay sadyang may kalayaan
kung bakit hindi sya kayang mapigilan
at ang lakas nya ay isang malupit na kapangyarihan
dapat ba talagang mahalin ko ang ulan?
LiZt
0 Comments:
Post a Comment
<< Home