Parang nagsipagtago na nga yata ang mga tala sa gabing nagdaan. Pinilit ko'ng tanawin kahit kapiraso ng buwan man lamang, nagbabakasakaling masinagan ang naningkit na mata sa mga gabing nag-iisa, nag-iisip, naninibugho, sa kasiyahan ng mga nagsisipagsayaw na alitaptap. Aandap-andap na ginalugad ko ang pasilyo ng madilim na kalye sa labas, parang sementeryo kung minsan ang bayan sa kalaliman ng madaling -araw. Nag-iisa na nga yata ang kaluluwang ito sa pagtalakay ng nilumang istorya ng kahibangan.
Taktilaok, naririnig ko ang dating manukan sa aming maliit na bakuran, sa minahal kong bukirin ng mga ninunong nagkalinga sa aking kamusmusan. Gumising na kayo, humayo upang ako naman ang makahalinhan sa muling paglapat ng likuran sa aking higaan. Mahal ko'ng mga unan, ako sana'y damayan.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home